Linggo, Marso 25, 2012

Palikuran T.T

I
isang palikurang walang malay
kay langan ng tao para mabuhay
at sa bawat araw na dumadaan
itoy parang taong namamatay

II
bakit kay langan sulatan ang dingding
bakit kay langan pinto ay sirain
kay langan ba ang bawat toilet ay may dumi
kay langan din bang sa sahig umuhi

III
yang mga gawain na nabanggit
ay mga gawain ng taong walang isip
bakit kay langan pa sirain ang palikuran
ito mahalaga sa ain para mabuhay

IV
mga gumagamit pakiusap
linisin pagkatapos gamitin
upang ikaw ay gayahin
ng susunod na gagamit

Girl Salamin

Ni John Joshua L. Rivera

Isang babae na laging nag sasalamin araw araw , oras oras lagi ko siyang nakikitang pumapasok sa CR para lang makapag salamin lang.. Tinawag ko Siyang Girl Salamin Dahil Lagi nalang siyang pumapasok sa CR upang makapag salamin lang. kulang nalang hindi na siya lumabas ng CR dahil lagi niyang tinitignan ang kanyang mukha sa salamin.

Paki-Usap

John Paulo L. Gutang

I
ako si palikuran
nakikiusap sa inyo
wagnyo sana sirain at babuyin
ang paligid ko

II 
kayo ang gumagamit
ngunit bakit sinisira nyong pilit
diba dapat maayos ang paligid
nang palikurang ginagamit

III
bakit ganon ang nangyari
kabaliktaran ng malinis
maaliwalas na paligid 
lamang naman ang aking nais


IV
mga taong walang magawa
sinusulatan pati ang dingding
mistulang taong grasa
sa sobrang dami ng dumi

V
kaya pakiusap ko
paki ayos lamang po
wastong paggamit ng palikuran
lang naman ang gusto ko


C.R

                                           


     Mayroon apat na magkakaibigan puro sila babae. Nag-aaral sila sa paralan ng BSU,ang kanilang kursong kinukuha ay BPE (Bachelor in Physical Education). Lagi silang magkasama san man sila pumunta. Hilig nilang pumunta sa CR o palikuran, para lamang magpolbos, mag make-up, maglipistik ng sobrang pula at mag suklay o mag ipit na buhok. kahit sila ay magaganda na at maayos namang tingnan. Gusto pa din nilang gawin iyon, dahil hilig talaga nilang mag ayos at magpunta sa CR. Bawat may madaanan slang CR o Comfort Room lagi silang pumupunta para mag ayos at tumingin sa salamin.at kapag hindi sila na kontento meron pa silang isang ginagawa ang mag picture-pictire sa salamin. Tinititingnan nila kung magaganda pa sila o hindi na. Ang apat naman na magkakaibigan na ito ay magaganda na, kahit hnd sila mag polbos, mag make-up, maglipistik ng sobrang pula magaganda pa din sila. Dahil nga sa hilig nilang magpunta sa CR nabansagan sila na CR girls. Napatuloy pa din silang nag CCR. Dahil hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi sila nagsasalamin. Masaya sila sa ginagawa nila. 

COMFORT ROOM

                                    

      Pagising ng dalaga/binata sa umaga.
Lagi nyang inuuna ang pag CCR,
Para lamang maghilaos na mukh
 Sinabay na niya ang paliligo.
Pagtapos nyang gawin lahat iyon,
 Siya'y kumakain na ng agahan.
Upang siya'y pumasok sa paaralan
  At para mag-uwi ng karangalan.

Huwebes, Marso 22, 2012

Mga bagay na hindi dapat gawin sa loob ng Comfort Room:

   ni Normina G. Domingo 


1. Pagsusulat sa mga pinto o dingding. 
2. Pagkakalat ng mga sachet pagkatapos gamitin.
3. Pagtapon o paiwan ng napkin sa di tamang lugar.
4. Paggamit sa bowl na di pagbuhos o pagflush pagkatapos gumamit.
5. Pagtambay sa loob ng comfort room at paninira ng gamit sa loob nuito.
6. Pagaaksiya ng tubig sa loob ng comfort room.
7. Pagwala respeto sa ibang gagamit.








....hay yan ang napapansin ko sa mga taong pasaway na gumagamit sa palikuran. SANA huwag ninyo gawin at tularan.... Maging malinis sa paggamit at respeto sa ibang tao gagamit.

"kasalaulaan"

ni Normina G. Domingo              



Huwag hayaan ganito ang palikuran!!!
        Hmp. haay, bakit kaya ang ibang tao pag gumamit ng comfort room ay hindi nagpaflush ng bowl pagkatapos gumamit nila. Ang gara noh?! Yung iba nga pipindutin nalang tinatamad pa! Whatmore pa kaya pagbubuhusan pa diba? Hay, bakit kaya ganun ang tatamad ng tao ngayon. Hindi kaya nila naisip na dahil sa hindi nila paggamit ng tama at di pagbubuhos ay maraming maaring maging dahilan ito sa ibang tao na gumagamit tulad pagkakaroon ng infection, U.T.I at iba pang klase o uri ng sakit. Kung hindi tayo susuniod sa mga pinagbabawal at pinapatupad sa paggamit ng comfort room ay maraming makukuhang sakit gaya ng nabanggit lalo sa na sa mga kababaihan na nagkakaroon. Ito ang tinatawag na kasalaulaan na madalas pinapairal ng ibang tao. Magisip naman tayo at maging reponsable tayo!!!

Si Boy Sulat!










Ni John Joshua L. Rivera

Sa isang eskwelahan may isang CR ng mga lalaki at meron din sa mga babae. Ako ay pumasok sa CR pag pasok ko ang linis at ang bango nung pag labas ko sa CR may paparating na isang estudyante at dali-dali siyang pumasok sa CR. Sa isip ko siguro magbabawas yun at pagkatapos may nakasalubong akong isang estudyante nag tanong siya sakin. "Kuya may nakita ka bang pumasok sa CR?" ang sabi ko naman "Oo mukhang nagmamadali ata siya, bakit?" estudyante: "Nalaman niya kasi na bagong pintura at gawa ang CR kaya dali-dali siyang pumasok dyan kasi susulatin na niya ang pader ng CR para siya daw ang makauna sa pagsusulat dyan." Ako: "ah?, anong ibig mong sabihin?" estudyante: "Kasi po may mga kabarkada yan, siya ang leader ng barkada nila, sila ang barkada na laging nagsusulat sa pader. Kahit saan nagsusulat sila, kaya ang tawag nila sa leader nila Boy Sulat." Ako: "ano kabago-bago palang ng CR susulatin na niya?" estudyante: "Opo kuy, sige kuya alis na po ako uuwi na ako baka mapagalitan pa ako." Ako: "sige, sige".

   Kinabukasan namasyal ulit ako dun sa eskwelahan na yon at pumasok ulit ako sa CR. Tinignan ko ang pader at nakita ko nga na may sulat na ang pader nalungkot ako dahil alam ko dudumi na ang CR at dadami na ang mga sulat sa pader. Pagkatapos biglang dumating ang estudyanteng kausap ko kahapon. Kinausap ako ng estudyante "Oh Kuya ikaw pala, buti napadaan ka ulit dito sa School namin." Ako: "Tinignan ko lang ang CR, totoo nga may sulat na sa pader pangit na tignan" malungkot kong sinabi sa estudyante. estudyante: "Oo nga po eh" Malungkot na pagsagot ng estudyante.Ako: "o sige alis na ako baka mahuli pa ako sa first subject ko" estudyante: "Sige kuya ingat nalang sa pagpasok".

  Kinabukasan pumunta ulit ako sa eskwelahan tumambay ako sa labas ng CR dahil may upuan naman doon. Inaabangan ko si Boy Sulat ang laging nag susulat sa pader ng CR. At yon na nga dumating na siya, pumasok siya sa CR at siya ay sumulat nanaman sa pader. Napakarami na niyang nasulat sa pader ng CR. Pag-labas niya ng CR. Ako naman ang pumasok nakita ko ang mga sinulat niya. Ang sabi ko sa sarili ko. "Ang dami naman niyang na usulat halos mapupuno na ng tinta ang pader". Lumabas na ako ng CR at nakasalubong ko nanaman ang isang estudyanteng kausap ko nung isang araw. Kinausap ko siya "oh kamusta na?" ang tanong ko sa kanya. estudyante: "Ayos lang kuya, ikaw?" Ako: "Ayos lang din"
"Ang daming sulat sa CR nyo halos mapuno na ng tinta ang pader at pati mga pinto may mga sulat na rin" estudyante: "Oo nga po eh" Ako: "Classmate mo ba yon?" estudyante: "Opo" Ako: "Pwede ko ba siyang kausapin?" estudyante: "Opo" Ako: "Sige tara, nasan ba siya?" estudyante: "nasa room po namin" Ako: "Pwede mo ba siyang paki tawag?" estudyante: "Sige po, sandali lang po ah" Ako: "Sige". Tinawag niya si Boy Sulat. estudyante: "Tol may nagpatawag sayo" Boy Sulat: "Sino?" estudyante: "basta sumama ka nalang sakin" Boy Sulat: "Sige, sige".

   Dumating na sila. Boy Sulat: "ano yon?" Ako: "tol ang dami mo ng nasulat sa pader ng CR hindi ka ba na aawa sa nag lilinis at nag pipintura nyan?" Napayuko si Boy Sulat. Ako: "Sige nga, halimbawa nalang ang tatay mo ay isang janitor sa ibang eskwelahan pagkatapos siya ay laging pagod sa paglilinis ng CR ng eskwelahan na yon, tapos laging may nagsusulat sa CR at siya naman ang laging nag aalis ng sulat ng CR papayag ka bang may sumulat ulit sa CR?"
Boy Sulat: "hindi po ako papayag, dahil totoong janitor ang tatay ko sa ibang eskwelahan" malungkot na pag sagot ni Boy Sulat. Ako: "oh janitor pala ang tatay mo? alam mo ba na ang mga ginagawa mo ay parang pinapagod mo ang tatay mo? dahil sa bawat sulat na nilalagay mo sa pader pagod ang nangyayari sa tatay mo" Biglang napaupo si Boy Sulat sa tabi ko at sinabing "Kuya salamat sayo, dahil naliwanagan na ako totoo nga ang sinabi mo laging pagod ang tatay ko pag uwi ng bahay halos hindi na siya kumain dahil sa pagod pag dating nya ng bahay matutulog agad siya" Ako: "Tinutulungan lang kitang mag bago at ngayon ay magbabago kana" Boy Sulat: "Opo kuya mag babago na ako" Masayang pag sagot ni Boy Sulat. at masayadin ako dahil natulungan ko siya. Nag salita ulit si Boy Sulat " Kuya pwede mo ba akong tulungan na bumili ng pintura?" AKo: "Oo ba" Masayang pagsagot ko sa kanya. Boy Sulat: "Kuya tulungan mo na  rin akong mag pintura ng CR pwede ba?" Ako: "ah? sige sige" at kami ay bumili ng pintura. Pininturahan namin ang CR masayang masaya si Boy Sulat dahil ngayon nyalang naranasan ang ganong pakiramdam at siya ay nag bagong buhay na sinabihan nya ang mga barkada nya na mag linis ng CR. Tumino silang lahat at ngayon wala na akong nakikitang sulat sa CR lagi na itong malinis.













i-flush mo naman!

pauline esteban
ang sarap gumamit ng malinis at hindi mabahong cr dba?kung gusto mo ng ganyan magflush ka nmn..Minsan sa ating paggamit ng palikuran kahit mga simpleng bagay ay atin pang nakakalimutan . ginawa na ngang madali para satin ito, isang flush nlng ang kailngan hindi tulad dati buhos pa ng buhos ngunit bkit d pa ntin mgawa?ang palikuran, hindi mhalaga kung malaki man o maliit ang mahalaga ay kung maayos itong gamitin. kung ako ang tatanungin mas gusto ko pang gamitin ang maliit pero malinis na cr kesa malaki balahura nmn wag na nating hintayin na masabihan pa ng "te pakiflush mo nmn!" kya simpleng babala lng nmn sana sundin na ng karamihan o ikaw magagawa mo ba?

Ugaling pinoy sa cr

pauline esteban
Ahm.. ang palikuran ay simpleng lugar na makikita natin kung saan saan. Bawat araw lagi tayong magdadaan dito. Sa ating pagtanda naranasan na sigurado nating makapasok sa iba’t ibang uri ng palikuran, merong malaki at napakalinis na halos ito ata ang prayoridad sa kanilang bahay, meron din naming maliit,madumi at mabaho pero alam nyo sa paggamit nito malalaman ang personalidad ng tao . Maraming  iba’t ibang tawag sakanila tulad ng:
The vandalize group- ito ung mga taong ganadong Ganado magsulat sa malilinis na pader. May maglalagay ng number nila para makahanap ng textmate, may nagmumura, nagdodrowing ng kung ano ano, at ang matindi sa mismong lugar na kung saan nakalagay ang NO VANDALISM  dun pa sila magsusulat, o dba?mga pasaway talaga .
Mirror addicted- nko eto kami grupo na halos magiisang oras o higit pa ang inuukol sa salamin. Ayos dito! Ayos dun ! di mapakali sa buhok at muka namen pero ang masaklap dito wala naming pinagbago ang itsura . Bawat klaseng matatapos, cr agad ang deretso namen haha adik kmi e.
Make up girl/polbo boys- isa pa din ako dito at marami din ang babae ang ganto  na pupunta pa ng cr para magmake up at magretouch, ewan ko ba mas feel kong magmake up sa  cr at alam ko ganun din ang iba may mga lalaki pa ngang pupunta din sa cr pra magaus ng sarili .
Emotera ng cr- sila ung mga taong akala mo sobrang laki ng problema sa mundo.Pupunta ng cr pra umiyak at malala pa titingnan ang sarili sa salamin habang umiiyak . Sa CR kc malaya tayong gwin ang lahat ng gusto natin dhil dito may privacy tayo.
Banyo queen/king- Sila nmn ang batas sa cr dhil lgi sila ang laman nito, hindi malaman kung anu ang ginagawa pero masaya sila  na namamalagi sa cr .
Emergency arrival- ito ung mga tao at maraming ganto ha!na hindi inaasahang may dumdatng tulad ng may nadudumi,naiihi, at ang pnkamahirap pag nagkakaron ang mga babae ng biglaan syempre san pa ang diretcho nten edi sa mahiwagang cr .

Kahit ano pa tayo sa mga nabanggit ang mahalaga ay kung paano natin gamitin ng maayos ang palikuran, masarap atang gumamit ng malinis  na palikuran. At syempre dito natin nililinis ang ating sarili kya dapat malinis din ito.
Mga Artista sa loob ng CR

Dexter James F. Camacho

        Bakit kaya karamihan sa mga estudyante ngayon ay bago pumasok ng klase ay pumupunta muna sa CR?yan ang tanong na sumasagi sa aking isipan .At kung ating mapapansin sa tuwing tayo'y magCCR ay tila ata may fashion show na nagaganap,salamin dito .. salamin dun .. kanya kanyang papogi't pagandahan,na  kung minsan ay sumusobra na.Pero sabagay di naman natin maiiwasan ang mga ganitong kaugalian lalo na sa panahon ngayon.Ayon sa aking mga napagtanungan sinasabi nila kaya sila pumupunta sa CR ay para mag-ayos,manalamin at upang maging presentable bago pumasok sa room na masasabi kong acceptable na sagot ngunit kahit malate? hmm .. well iba-iba nga daw tayo ng ugali maraming nagsasabi o maraming dinadahilan na kaya nila ito ginawa upang maging cute sa paningin ng kanilang mga crush.In short magpapampam.
Mga Estudyanteng Balahura.

Dexter James F. Camacho.

    Alam naman natin sa panahon ngayonbawat estudyante ay may ibat-ibang kaugalian sa paggamit ng palikuran.Ilan sa mga halimbawa nito kung bakit masasabi natin ang ,mga estudyante ay baluhura sa paggamit  ng palikuran ay ang mga ito.Una,mapababae man o lalake pag umihi kahit may tubig na ay hindi pa rin bubuhusan,hindi ko naman sinasabi na lahat ng estudyante ay may ugaling ganito.Pangalawa,ayon sa aking nagpatanungan sinasabi na may ilang bababe na pagnagpapalit ng napkin o pag gumagamit ng tissue kahit na may trash can na hindi pa rin itatapon sa tamang tapunan kung saan saan lang ilalagay.Pangatlo,ayon naman sa aking karanasan may mga ibang estudyante na kapag nag CR may mga dalang pagkain,tubig o anu-ano pa.Balahurang kong masasabi dahil iiwan nalang nila ang mga pinagbalatan sa CR na maaari naman itapon sa basurahan.Ilan lamang yan sa mga dahilan kung bakit nasabi ko na may estyudynteng balahura.At kung ating susumahin 70% sa mag estudyante ay ganito sa paggamit ng palikuran.

Miyerkules, Marso 21, 2012

"Banyo Queen"

ni Crisple Edward D. Cabigao                    



Ano nga ba ang banyo queen? Syempre reyna ng banyo!Tao ba ito? Oo.... Lalaki? May lalaking queen?! Syempre babae ito! Bakit siya tinawag na " Banyo Queen"?Simple lang siya kasi yung klase ng tao na oras - oras nasa C.R. Kulang nalang na doon siya matulog. Hindi naman mismong banyo ginamit kundi yung salamin. Walang inatupag kundi mag MAKE-UP, MAGRE- TOUCH at kung anu anu  ka ek-ekan. Yan ang 

"Banyo Queen". Nabibilang kaba? ;)

Palikuran

ni Crisple Edward D. Cabigao       




Ang palikuran ay madalas gamitin
Lalo sa taong di kayang pigilin
Kaya'y pag masakit ang tiyan wag tiisin
Sa banyo rin ang tungo at uupo rin


Ito'y ihian, liguan at dumihan
Wag mong maisip na gawin tong tambayan
Dahil ito'y tuluyan ng mamamayan
Sa oras na tawagin ng kalikasan



Diwatang Palikaran

  ni Marry Ann C. Crisostomo                                         


            Sa isang maliit na baryo, may isang eskwelahan na madami kababalaghang nangyayari sa kanilang Comfort Room o Palikuran. Minsan isang mag-aaral na ang pangalan ay Isko, ang nagpaalam sa kanilang guro na pupunta sa palikuran. Habang papalapit si Isko sa palikuran ay may narinig siya na tawa na nagmumula sa boses ng isang babae. "hahaha, sarap ng malinis diba?", yun ang sambit ng magandang tinig isang babae. Agad agad naman sumagot si Isko, "Sino po sila? Ano pong malinis?" ngunit walang sagot siyang narinig hanggang nawala ang boses at nakapasok na siya sa palikuran. At habang papasok na siya, ay napakamot siya sa kanyang ulo. Dahil wala naman palang tao sa loob ng palikuran. Sa sobrang takot ay dali dali siyang bumalik sa loob ng silid-aralan. At hindi na niya pinansin ang nangyari sa palikuran. 
            Makalipas ang ilang araw ay may bagong estudyante na dumating sa kanilang munting eskwelahan na nagngangalang "Allan", isang batang nagmula sa Maynila. Lumipat sila sa baryo, dahil sa trabaho ng kanyang Ama. Simula noon ay naging matamlay na si Allan. Hindi siya palakibo sa kanyang mga kaklase, naninibago siya sa lahat ng bagay. At madalas ay tumatambay siya sa gilid ng palikuran ng eskwelahan. Hanggang sa pumasok siya sa isang palikuran at naisipan niyang magsulat sa likod ng pinto nito "AYOKO NA DITO, ANG PANGET DITO!”, ang naisulat ni Allan sa pintuan. Hanggang sa ginaya ng mga batang nakakakita na naging dahilan ng pagdami ng mga nakasulat at magresulta ng tuluyang pagkapanget ng loob ng palikuran. 
            Madaling napansin ni Isko ang mga sulat sa pinto at siya ay lubhang nalungkot sa nangyari. Bigla niyang naitanong sa kanyang sarili ang ganito, "Bakit ba kailangan nila magsulat sa dingding o pinto? Bakit ba nila hinahayaang marumi ang palikuran?" Hanggang sa marinig muli ni Isko ang pamilyar na tinig ng isang babae, "Isko, natutuwa ako sa iyo dahil ramdam ko na pinapahalagahan mo itong lugar na isang munting paraiso para sa isang katulad ko.", sambit ng magandang boses ng isang babae. At dali daling sumagot si Isko, “ Ah? Anu po? Sino po kayo?” at nagpakita sa kanya ang isang magandang diwata na si "PALIKARAN", siya ang diwata sa loob ng palikuran. “Isko, salamat at may batang katulad mo na nagpapahalaga sa lugar na ito. Hindi tulad ng ibang bata na hinahayaang maging madumi ang kanilang palikuran.”, naiwika ng magandang diwata. "Sabi po kasi ng aking Ina, na huwag na huwag ko daw pong hayaang dumumi ang palikuran namin, at lage ko daw isaisip na dapat malinis ito palage at komportableng gamitin. Makikita daw sa isang tao kung malinis siya sa sarili niya, kung malinis siya sa kanyang palikuran." Kinakabahan si Isko sa pagsagot kay Diwatang Palikaran. Muling nagsalita ang diwata, "Dahil sa dalisay mong puso ay gagawaran kita ng isang kahilingan.” 
            "Talaga po? Gusto ko po sanang maging masaya na si Allan sa aming paaralan. Nakita at nabasa ko po sa mga naisulat niya na malungkot siya dito. Kaya sana po Diwatang Palikaran, maging masaya na siya. Iyon lang po ang aking maihihiling.”,  masayang sambit ni Isko kay Diwatang Palikaran. "Busilak talaga ang iyong puso Isko, sige at ipagkakaloob ko ang iyong munting kahilingan. Subalit kailangan muna na may matutunan si Allan hinggil sa kagandahan at kalinisan ng isang palikuran. At dapat na malaman niyang mali ang pagdumi at pagsulat sa loob ng palikuran. Sang-ayon ka ba Isko?" "Opo" sagot ni Isko kay Diwatang Palikaran
            Nang biglang pumasok si Allan sa palikuran, at mabilis na mawala si Diwatang Palikaran. Nagulat si Isko na parang walang nangyari. Nakita na lamang ni Isko si Diwatang Palikaran sa salamin na nakatingin taglay ang ngiti ng kasiyahan.

Buhay ng isang Player

ni Marry Ann C. Crisostomo

Bilang isang player, isa sa mga nakukuha benepisyo namin ay ang makapunta sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas. Naalala ko noong bata pa ako, noong kasama ako sa Palarong Pambansa sa Albay, Bicol na kung saan kami  naglaro. Isa sa mga naging problema namin noon ay ang tulugan gayundin ang palikuran. Naalala ko pa noon na ailangan ko talaga gumising ng 4:30 ng umaga para lang makauna sa paggamit ng palikuran. Sa dami naming manglalaro para gumamit ng palikuran ay kailangan gumising ng ganung kaaga para makatapos ako sa oras na kailangan. Minsan, talagang sa sobrang aga mo naman pumunta sa palikuran ay nakakatakot pumunta kaagad, sa sobrang dilim at sa labas pa yung comfort room namin noon. Nandoon yung, nagtatakutan kami ng mga teammates ko o kaya naman nauubusan ng tubig sa loob ng palikuran, kaya dapat sumalok muna ng tubig sa poso. Masaya na mahirap ang buhay ng player, sa aking paglilibot sa buong Pilipinas ay naranasan ko na yung iba't ibang hirap pagdating sa paggamit ng palikuran. Na minsan may maganda, may aircon  pa at napakalinis na palikuran tulad sa napuntahan ko sa Davao at Palawan. Pakiramdam ko, mas masarap pa matulog sa palikuran sa sobrang linis at ayos nito. Pakiramdam ko nga noon, mas maganda pa sa kwarto ko. Nakakatawa pero totoo. Nakakatuwang isipin na may gumagastos ng ganoong kalaki pera para lang sa palikuran. Meron naman ako naranasan na sa isang lugar sa Manila na kailangan ko pang magbayad ng 5 piso para lang gumamit ng isang palikuran. Hindi ako makakagamit hanggang hindi ako naghuhulog ng 5 piso sa isang kahon, kung baga “bayad muna bago gamit”.
hay...may bayad!!!
Sa tagal ko ng pagiging player, madami na ako napuntahan at naranasan sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Na kung saan ay isa sa mga tinitingnan ko ay ang kalinisan sa paligid nila, mga uri ng sasakyan sa lugar nila at ang higit sa lahat ay ang kanilang palikuran. Eto ang masarap at mahirap na karanasan ko bilang isang player.