Huwebes, Marso 22, 2012

Si Boy Sulat!










Ni John Joshua L. Rivera

Sa isang eskwelahan may isang CR ng mga lalaki at meron din sa mga babae. Ako ay pumasok sa CR pag pasok ko ang linis at ang bango nung pag labas ko sa CR may paparating na isang estudyante at dali-dali siyang pumasok sa CR. Sa isip ko siguro magbabawas yun at pagkatapos may nakasalubong akong isang estudyante nag tanong siya sakin. "Kuya may nakita ka bang pumasok sa CR?" ang sabi ko naman "Oo mukhang nagmamadali ata siya, bakit?" estudyante: "Nalaman niya kasi na bagong pintura at gawa ang CR kaya dali-dali siyang pumasok dyan kasi susulatin na niya ang pader ng CR para siya daw ang makauna sa pagsusulat dyan." Ako: "ah?, anong ibig mong sabihin?" estudyante: "Kasi po may mga kabarkada yan, siya ang leader ng barkada nila, sila ang barkada na laging nagsusulat sa pader. Kahit saan nagsusulat sila, kaya ang tawag nila sa leader nila Boy Sulat." Ako: "ano kabago-bago palang ng CR susulatin na niya?" estudyante: "Opo kuy, sige kuya alis na po ako uuwi na ako baka mapagalitan pa ako." Ako: "sige, sige".

   Kinabukasan namasyal ulit ako dun sa eskwelahan na yon at pumasok ulit ako sa CR. Tinignan ko ang pader at nakita ko nga na may sulat na ang pader nalungkot ako dahil alam ko dudumi na ang CR at dadami na ang mga sulat sa pader. Pagkatapos biglang dumating ang estudyanteng kausap ko kahapon. Kinausap ako ng estudyante "Oh Kuya ikaw pala, buti napadaan ka ulit dito sa School namin." Ako: "Tinignan ko lang ang CR, totoo nga may sulat na sa pader pangit na tignan" malungkot kong sinabi sa estudyante. estudyante: "Oo nga po eh" Malungkot na pagsagot ng estudyante.Ako: "o sige alis na ako baka mahuli pa ako sa first subject ko" estudyante: "Sige kuya ingat nalang sa pagpasok".

  Kinabukasan pumunta ulit ako sa eskwelahan tumambay ako sa labas ng CR dahil may upuan naman doon. Inaabangan ko si Boy Sulat ang laging nag susulat sa pader ng CR. At yon na nga dumating na siya, pumasok siya sa CR at siya ay sumulat nanaman sa pader. Napakarami na niyang nasulat sa pader ng CR. Pag-labas niya ng CR. Ako naman ang pumasok nakita ko ang mga sinulat niya. Ang sabi ko sa sarili ko. "Ang dami naman niyang na usulat halos mapupuno na ng tinta ang pader". Lumabas na ako ng CR at nakasalubong ko nanaman ang isang estudyanteng kausap ko nung isang araw. Kinausap ko siya "oh kamusta na?" ang tanong ko sa kanya. estudyante: "Ayos lang kuya, ikaw?" Ako: "Ayos lang din"
"Ang daming sulat sa CR nyo halos mapuno na ng tinta ang pader at pati mga pinto may mga sulat na rin" estudyante: "Oo nga po eh" Ako: "Classmate mo ba yon?" estudyante: "Opo" Ako: "Pwede ko ba siyang kausapin?" estudyante: "Opo" Ako: "Sige tara, nasan ba siya?" estudyante: "nasa room po namin" Ako: "Pwede mo ba siyang paki tawag?" estudyante: "Sige po, sandali lang po ah" Ako: "Sige". Tinawag niya si Boy Sulat. estudyante: "Tol may nagpatawag sayo" Boy Sulat: "Sino?" estudyante: "basta sumama ka nalang sakin" Boy Sulat: "Sige, sige".

   Dumating na sila. Boy Sulat: "ano yon?" Ako: "tol ang dami mo ng nasulat sa pader ng CR hindi ka ba na aawa sa nag lilinis at nag pipintura nyan?" Napayuko si Boy Sulat. Ako: "Sige nga, halimbawa nalang ang tatay mo ay isang janitor sa ibang eskwelahan pagkatapos siya ay laging pagod sa paglilinis ng CR ng eskwelahan na yon, tapos laging may nagsusulat sa CR at siya naman ang laging nag aalis ng sulat ng CR papayag ka bang may sumulat ulit sa CR?"
Boy Sulat: "hindi po ako papayag, dahil totoong janitor ang tatay ko sa ibang eskwelahan" malungkot na pag sagot ni Boy Sulat. Ako: "oh janitor pala ang tatay mo? alam mo ba na ang mga ginagawa mo ay parang pinapagod mo ang tatay mo? dahil sa bawat sulat na nilalagay mo sa pader pagod ang nangyayari sa tatay mo" Biglang napaupo si Boy Sulat sa tabi ko at sinabing "Kuya salamat sayo, dahil naliwanagan na ako totoo nga ang sinabi mo laging pagod ang tatay ko pag uwi ng bahay halos hindi na siya kumain dahil sa pagod pag dating nya ng bahay matutulog agad siya" Ako: "Tinutulungan lang kitang mag bago at ngayon ay magbabago kana" Boy Sulat: "Opo kuya mag babago na ako" Masayang pag sagot ni Boy Sulat. at masayadin ako dahil natulungan ko siya. Nag salita ulit si Boy Sulat " Kuya pwede mo ba akong tulungan na bumili ng pintura?" AKo: "Oo ba" Masayang pagsagot ko sa kanya. Boy Sulat: "Kuya tulungan mo na  rin akong mag pintura ng CR pwede ba?" Ako: "ah? sige sige" at kami ay bumili ng pintura. Pininturahan namin ang CR masayang masaya si Boy Sulat dahil ngayon nyalang naranasan ang ganong pakiramdam at siya ay nag bagong buhay na sinabihan nya ang mga barkada nya na mag linis ng CR. Tumino silang lahat at ngayon wala na akong nakikitang sulat sa CR lagi na itong malinis.













6 (na) komento:

  1. Joys Siega (2011107646)


    Simpleng kwento lang... pero may matututunan ka :D
    Maganda ang kwento..

    TumugonBurahin
  2. Lester Caraig- 2010-100804

    Bukod sa simpleng kwento lang..
    ipinapakita nya na isa din sya sa mga karakter na nakalaga sa kwento.. maganda dahil may natutunan ako :D

    TumugonBurahin
  3. genesis celis 06-3740

    Simleng kwento na simple lang din matutunan mo.
    Tulad ng wag magsulat sa pader ng CR diba napaka simpleng bagay lang ang gagawin mo..
    pero yung iba hindi magawa...

    TumugonBurahin
  4. Jordan Galvez 09-104634

    Maganda ang kwento :D

    isa sa mga part na gusto ko ay yung nag papatulong si boy sulat na pinturahin ang Cr diba nakakatuwa.. yung dating nag susulat sa CR siya din ang bumura ng kanyang sinulat..

    TumugonBurahin
  5. John Paul L.Lopez
    Student No. 07-101347


    Isang maikling kwento pero may matututunan kana.
    maganda dahil kahit walang pangalan ang mga karakter nabigyang buhay ang kwento :D

    TumugonBurahin