ni Marry Ann C. Crisostomo
Sa isang maliit na baryo, may isang eskwelahan na madami kababalaghang nangyayari sa kanilang Comfort Room o Palikuran. Minsan isang mag-aaral na ang pangalan ay Isko, ang nagpaalam sa kanilang guro na pupunta sa palikuran. Habang papalapit si Isko sa palikuran ay may narinig siya na tawa na nagmumula sa boses ng isang babae. "hahaha, sarap ng malinis diba?", yun ang sambit ng magandang tinig isang babae. Agad agad naman sumagot si Isko, "Sino po sila? Ano pong malinis?" ngunit walang sagot siyang narinig hanggang nawala ang boses at nakapasok na siya sa palikuran. At habang papasok na siya, ay napakamot siya sa kanyang ulo. Dahil wala naman palang tao sa loob ng palikuran. Sa sobrang takot ay dali dali siyang bumalik sa loob ng silid-aralan. At hindi na niya pinansin ang nangyari sa palikuran.
Makalipas ang ilang araw ay may bagong estudyante na dumating sa kanilang munting eskwelahan na nagngangalang "Allan", isang batang nagmula sa Maynila. Lumipat sila sa baryo, dahil sa trabaho ng kanyang Ama. Simula noon ay naging matamlay na si Allan. Hindi siya palakibo sa kanyang mga kaklase, naninibago siya sa lahat ng bagay. At madalas ay tumatambay siya sa gilid ng palikuran ng eskwelahan. Hanggang sa pumasok siya sa isang palikuran at naisipan niyang magsulat sa likod ng pinto nito "AYOKO NA DITO, ANG PANGET DITO!”, ang naisulat ni Allan sa pintuan. Hanggang sa ginaya ng mga batang nakakakita na naging dahilan ng pagdami ng mga nakasulat at magresulta ng tuluyang pagkapanget ng loob ng palikuran.
Madaling napansin ni Isko ang mga sulat sa pinto at siya ay lubhang nalungkot sa nangyari. Bigla niyang naitanong sa kanyang sarili ang ganito, "Bakit ba kailangan nila magsulat sa dingding o pinto? Bakit ba nila hinahayaang marumi ang palikuran?" Hanggang sa marinig muli ni Isko ang pamilyar na tinig ng isang babae, "Isko, natutuwa ako sa iyo dahil ramdam ko na pinapahalagahan mo itong lugar na isang munting paraiso para sa isang katulad ko.", sambit ng magandang boses ng isang babae. At dali daling sumagot si Isko, “ Ah? Anu po? Sino po kayo?” at nagpakita sa kanya ang isang magandang diwata na si "PALIKARAN", siya ang diwata sa loob ng palikuran. “Isko, salamat at may batang katulad mo na nagpapahalaga sa lugar na ito. Hindi tulad ng ibang bata na hinahayaang maging madumi ang kanilang palikuran.”, naiwika ng magandang diwata. "Sabi po kasi ng aking Ina, na huwag na huwag ko daw pong hayaang dumumi ang palikuran namin, at lage ko daw isaisip na dapat malinis ito palage at komportableng gamitin. Makikita daw sa isang tao kung malinis siya sa sarili niya, kung malinis siya sa kanyang palikuran." Kinakabahan si Isko sa pagsagot kay Diwatang Palikaran. Muling nagsalita ang diwata, "Dahil sa dalisay mong puso ay gagawaran kita ng isang kahilingan.”
"Talaga po? Gusto ko po sanang maging masaya na si Allan sa aming paaralan. Nakita at nabasa ko po sa mga naisulat niya na malungkot siya dito. Kaya sana po Diwatang Palikaran, maging masaya na siya. Iyon lang po ang aking maihihiling.”, masayang sambit ni Isko kay Diwatang Palikaran. "Busilak talaga ang iyong puso Isko, sige at ipagkakaloob ko ang iyong munting kahilingan. Subalit kailangan muna na may matutunan si Allan hinggil sa kagandahan at kalinisan ng isang palikuran. At dapat na malaman niyang mali ang pagdumi at pagsulat sa loob ng palikuran. Sang-ayon ka ba Isko?" "Opo" sagot ni Isko kay Diwatang Palikaran.
Nang biglang pumasok si Allan sa palikuran, at mabilis na mawala si Diwatang Palikaran. Nagulat si Isko na parang walang nangyari. Nakita na lamang ni Isko si Diwatang Palikaran sa salamin na nakatingin taglay ang ngiti ng kasiyahan.

Mariane Morantes- 2011-101075
TumugonBurahinMaganda ang istorya. Pinapakita yung ugali ng isang bata na may pagpapahalaga sa isang lugar o bagay. May mga bagay dapat tayo pahalagahan.
Lester Caraig- 2010-100804
TumugonBurahinSimple ang storya. Tungkol sa pagpapahala sa palikuran na madalas ay hinahayaang madumi ng mga tao. Tulad ng mga studyante sa pagtambay sa palikuran.Minsan hinahayaang makalat at madalas nagsusulat pa sa pinto. Dapat hwag hayaan ganun. Nakakatuwa yung kwento.
genesis celis 06-3740
TumugonBurahinhahaha natutuwa naman ako sa istorya.. parang bumabalik sa nakaraan kasi sa itsura nung cr,, hahahah natutuwa ako sa story kasi simple lang xa peromay lesson ka na matutunan.. i like it!! :)
nakakatuwa naman, madameng ganyang c.r samen sa Hagunoy Bulacan Philippines. :)
TumugonBurahinsimpleng istorya pero may matututunan... tularan si isko!!!!! ^^
Jordan Galvez 09-104634
TumugonBurahinnakakatuwa naman, madameng ganyang c.r samen sa Hagunoy Bulacan Philippines sa mga kubo at palaisdaan. :D
simpleng istorya pero may matututunan... tularan si isko!!!!! ^^
Joys Siega (2011107646)
TumugonBurahinMay magandang aral ang maikling kwento... Sana ay mabasa ito ng marami, lalo na ng mga bata upang sa kanilang paglaki ay matimo sa kanilang puso't isipan ang kahalagahan ng kalinisan ng isang palikuran...
John Paul L.Lopez
TumugonBurahinStudent No. 07-101347
Bongga ang story. Sabi nga nila sa bawat pagkakamali, may mga bagay kang matutunan. Madaming mga bagay ang natutunan ko sa kwento na to'. May mga bagay na dapat inaalagaan natin... Super Like !!!! :)
Tama! Ang ganda ng storya :) more power
TumugonBurahin