Miyerkules, Marso 21, 2012

Buhay ng isang Player

ni Marry Ann C. Crisostomo

Bilang isang player, isa sa mga nakukuha benepisyo namin ay ang makapunta sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas. Naalala ko noong bata pa ako, noong kasama ako sa Palarong Pambansa sa Albay, Bicol na kung saan kami  naglaro. Isa sa mga naging problema namin noon ay ang tulugan gayundin ang palikuran. Naalala ko pa noon na ailangan ko talaga gumising ng 4:30 ng umaga para lang makauna sa paggamit ng palikuran. Sa dami naming manglalaro para gumamit ng palikuran ay kailangan gumising ng ganung kaaga para makatapos ako sa oras na kailangan. Minsan, talagang sa sobrang aga mo naman pumunta sa palikuran ay nakakatakot pumunta kaagad, sa sobrang dilim at sa labas pa yung comfort room namin noon. Nandoon yung, nagtatakutan kami ng mga teammates ko o kaya naman nauubusan ng tubig sa loob ng palikuran, kaya dapat sumalok muna ng tubig sa poso. Masaya na mahirap ang buhay ng player, sa aking paglilibot sa buong Pilipinas ay naranasan ko na yung iba't ibang hirap pagdating sa paggamit ng palikuran. Na minsan may maganda, may aircon  pa at napakalinis na palikuran tulad sa napuntahan ko sa Davao at Palawan. Pakiramdam ko, mas masarap pa matulog sa palikuran sa sobrang linis at ayos nito. Pakiramdam ko nga noon, mas maganda pa sa kwarto ko. Nakakatawa pero totoo. Nakakatuwang isipin na may gumagastos ng ganoong kalaki pera para lang sa palikuran. Meron naman ako naranasan na sa isang lugar sa Manila na kailangan ko pang magbayad ng 5 piso para lang gumamit ng isang palikuran. Hindi ako makakagamit hanggang hindi ako naghuhulog ng 5 piso sa isang kahon, kung baga “bayad muna bago gamit”.
hay...may bayad!!!
Sa tagal ko ng pagiging player, madami na ako napuntahan at naranasan sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Na kung saan ay isa sa mga tinitingnan ko ay ang kalinisan sa paligid nila, mga uri ng sasakyan sa lugar nila at ang higit sa lahat ay ang kanilang palikuran. Eto ang masarap at mahirap na karanasan ko bilang isang player.

5 komento:

  1. De Guzman Ronell- 09-107273
    isang napaka halaga parte ng bahay oh anu paman lugar ang palikura oh cR kaya dapat pahalagahan ang kalinisa at kaayusan nito.

    TumugonBurahin
  2. Joys Siega (2011107646)

    Sabi nga hindi sa lahat ng pagkakataon ay makikita mo sa isang lugar ang isang dating lugar na napuntahan mo... Hindi lahat ay perpekto... Saludo ako sa mga manlalaro, dahil sa kabila ng mga ganitong sitwasyon ay hindi ito nagiging hadlang upang igive-up ang paglalaro... Ganoon pa man, ang kalinisan ay dapat pahalagahan para sa magandang kalusugan...

    TumugonBurahin
  3. Benedict DV Bautista (2010100715)

    Mahalaga ang pagkakaroon ng isang malinis at may kaaya ayang amoy na palikuran.. kahit ako man sa sarili ko ay aminado ako na mahirap talaga gumamit ng isang palikuran lalot na't kung ito ay hindi masyadong malinis... parang mas titiisin ko pang di gumamit ng palikuran kung madumi ito, liban na lang kung talagang kinakailanagan na.. hahaha


    bilid ako sayo dahil sa dami ng napuntahan mo ay parang hindi naging problema ang paggamit ng isang palikuran.. :)))

    TumugonBurahin
  4. Aryss Umali-09107190

    Nakakatawa talaga ako kapag naalala ko yung karanasan ko din bilang player din. Naranasan ko din yung mga ganun bagay.;) kaya masasabi ko mahirap maging isang player at ganun pa man ay may masaya din pangyayari na masarap balikan.Bilang isang player, kailangan maging pleksibol ka sa lahat ng bagay. Lalo na palikuran, dapat hindi ka maselan at ready to fight ka.hehehe.

    TumugonBurahin
  5. Areem Tamayo- 09-107186

    Naremind ko yung naranasan ko sa Isabela, yung ang hirap gumamit ng comfort room dun. Sobra hina ng tubig at hindi ganun kalinis. Pero ganun pa man, ay syemnpre magtiis kami mga player. Kailangan maging ready sa lahat ng bagay. Kaya naiintindihan ko yung naranasan ng sumulat. ;)

    TumugonBurahin