Ahm.. ang
palikuran ay simpleng lugar na makikita natin kung saan saan. Bawat araw lagi
tayong magdadaan dito. Sa ating pagtanda naranasan na sigurado nating makapasok
sa iba’t ibang uri ng palikuran, merong malaki at napakalinis na halos ito ata
ang prayoridad sa kanilang bahay, meron din naming maliit,madumi at mabaho pero
alam nyo sa paggamit nito malalaman ang personalidad ng tao . Maraming iba’t ibang tawag sakanila tulad ng:
The
vandalize group- ito ung mga taong ganadong Ganado magsulat sa malilinis na
pader. May maglalagay ng number nila para makahanap ng textmate, may nagmumura,
nagdodrowing ng kung ano ano, at ang matindi sa mismong lugar na kung saan
nakalagay ang NO VANDALISM dun pa sila
magsusulat, o dba?mga pasaway talaga .
Mirror
addicted- nko eto kami grupo na halos magiisang oras o higit pa ang inuukol sa
salamin. Ayos dito! Ayos dun ! di mapakali sa buhok at muka namen pero ang
masaklap dito wala naming pinagbago ang itsura . Bawat klaseng matatapos, cr
agad ang deretso namen haha adik kmi e.
Make up
girl/polbo boys- isa pa din ako dito at marami din ang babae ang ganto na pupunta pa ng cr para magmake up at
magretouch, ewan ko ba mas feel kong magmake up sa cr at alam ko ganun din ang iba may mga
lalaki pa ngang pupunta din sa cr pra magaus ng sarili .
Emotera ng
cr- sila ung mga taong akala mo sobrang laki ng problema sa mundo.Pupunta ng cr
pra umiyak at malala pa titingnan ang sarili sa salamin habang umiiyak . Sa CR
kc malaya tayong gwin ang lahat ng gusto natin dhil dito may privacy tayo.
Banyo
queen/king- Sila nmn ang batas sa cr dhil lgi sila ang laman nito, hindi
malaman kung anu ang ginagawa pero masaya sila
na namamalagi sa cr .
Emergency
arrival- ito ung mga tao at maraming ganto ha!na hindi inaasahang may dumdatng
tulad ng may nadudumi,naiihi, at ang pnkamahirap pag nagkakaron ang mga babae
ng biglaan syempre san pa ang diretcho nten edi sa mahiwagang cr .
Kahit ano pa
tayo sa mga nabanggit ang mahalaga ay kung paano natin gamitin ng maayos ang
palikuran, masarap atang gumamit ng malinis
na palikuran. At syempre dito natin nililinis ang ating sarili kya dapat
malinis din ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento